Ayaw nang patulan ng Kapuso actor na si Martin del Rosario ang mga tanong na nagdududa sa kanilang sekswalidad.

Sa kaniyang solo presscon na ginanap sa GMA Network compound, Quezon City, nitong January 15, Martes, sinabi ng aktor.

Aniya, sampung taon na siya sa showbiz at ganoon na rin katagal ang pagkuwestiyon sa kanyang pagkatao.

Hindi na raw siya apektado sa tuwing inuusisa siya tungkol dito.

Pero dahil sa pagganap niya bilang transgender woman sa upcoming movie na Born Beautiful, hindi malayong ungkatin muli ang naturang isyu.

Tugon dito ni Martin, “Wala, okay lang. Actually, sige, pag-usapan niyo pa. Parang okay nga, e…”

Hindi ba siya napapagod na laging natatanong tungkol sa isyung ito?

“Hindi, kasi… buti sana kung nag-e-exert din ako ng effort na patulan at sagutin.

“Pero ngayon kasi, ilang beses ko nang nasagot, so ayoko nang sagutin pa, paulit-ulit.

“I mean, ilang beses ko nang nasagot, ten years na…

“Wala naman akong kailangang sagutin,” pahayag ng aktor.

Nirerespeto raw niya ang opinyon ng ibang tao, pero ang mahalaga kay Martin ay kilala niya ang sarili.

“So, opinion nila yun and ako… ako yung taong hindi pikon.

“Kung ano yung opinyon mo, kung saan ka masaya, e, di go.

“Kung pangit ako, pangit ugali ko, e, di, okay lang. Tingin mo 'yan.

“Basta ako, I know myself. So, yun yung mas importante.” -- For the full story, visit PEP.ph