Kinilig ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa naging reaksyon ng aktor sa Instagram post ng aktres na hitsurang tomboy sa isang episode ng "Magpakailanman."

Sa naturang episode ng "Magpakailanman" na ipinalabas nitong nakaraang Sabado, ginampanan ni Jennylyn ang role bilang tibo na kinalaunan ay iibig sa isang lalaki.



Sa larawan na ipinost ni Jen, makikita ang astig na porma ng aktres na nakasuot ng sombrero o cap.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mamayang gabi na sa #Magpakailanman. #mpklesbianwife ??

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Abangan ang kwento ni Bogs/Maloy sa Magpakailanman ngayong sabado pagkatapos ng Daddy’s girl. #mpklesbianwife

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

 

Kasama ang kaniyang nobyo na si Dennis sa mga nag-post ng komento sa larawan at binati niya ang aktres ng, "Hi pogi" na may asamang emoji na puso ang mga mata.

Sinagot naman si Jen ng, "pakiss bro!" na may emoji kiss naman.

Natuwa ang mga follower ng aktres sa palitan na iyon ng magkasintuhan na tinawag nilang sweet.

Samantala, bukod sa mga pelikula, nakalinyang gawin ni Jennylyn ang upcoming Kapuso series na "Luv U 2", kung saan makakatambal niya si Gabby Concepcion. Kasama rin dito ang bagong Kapuso na si Kiray Celis.

Pinaghahandaan din ni Jen ang pagsali sa isang marathon sa Japan  na idaraos sa November, itinuturing niyang malaking challenge.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Here’s to a year of better habits, positive thinking, clean eating and most of all, loving yourself.????

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

????????‍??Keep going... #day3 #roadtohokkaidomarathon2019

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

 

-- FRJ, GMA News