Kitang-kitang ang pagiging sweet at charming ni Zia Dantes nang makaharap ng showbiz press kasama ang kaniyang mommy Marian. Ngayon pa lang daw, nakitaan na ng senyales ang panganay nila ni Dingdong ng interes na maging artista rin.



Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, nasulyapan ang priceless mommy and daughter moments ng mag-ina.

"You're the best mom ever," sabi ng tatlong-taong-gulang na si Zia sa kaniyang ina.

Sabi pa ni Zia sa kaniyang mommy, "I want you to be happy."

Sumagot pa ang bata ng "I love you more," nang sabihan ni Marian ng "I love you."

"Nakita mo naman 'yung resulta kapag naging hands on ka sa anak mo, na ang sarap at hindi matatawaran na ganu'n kami ka-close nu'ng anak ko na talagang kita mo naman ang lambing," sabi ni Marian.

May mga senyales na rin daw si Zia na tila gusto nitong mag-artista nang minsan isama ni Marian sa "Sunday Pinasaya."

"Sinama ko siya sa 'Sunday Pinasaya' sabi niya, 'I want to see myself sa tv,' daw. Sabi ko, 'Huwag ka na sumama sa 'kin," natatawang kuwento ni Marian.

Okay naman sa kanila ni Dingdong na mag-showbiz din si Zia pero dapat umanong tapusin muna nito ang pag-aaral.

"Kung ano ang gusto niya okay naman kami ni Dong as long as magtapos muna siya ng pag-aaral. Parang ako," saad niya.

Samantala, excited na rin daw si Zia na maging ate sa kaniyang parating na baby brother.

Natapos na rin daw silang magpa-4d ultrasound at ang kamukha ng paparating nilang baby boy, "Naku, kamukha talaga ni dong. 'yung panga pa lang." -- FRJ, GMA News