Kahit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon sina Super Tekla at Willie Revillame, nagkaayos na raw sila at willing si Tekla na mag-guest sa Wowowin dahil sa laki ng utang na loob niya sa host ng programa.

Diin ni Tekla, never daw siyang magagalit kay Willie dahil binago nito ang buhay niya.

“Kung hindi dahil kay Kuya Wils, walang Super Tekla na mapapanood sa telebisyon ngayon.

“Utang ko sa kanya kung nasaan ako ngayon.

“Nagkaroon man kami ng problema noon pero tapos na iyon.

“Okay na kami ni Kuya Wils at sinabi ko naman sa kanya na anytime na kailangan niya akong lumabas sa Wowowin ay gagawin ko nang libre.

“Gano'n kalaki ang utang na loob ko sa kanya,” pahayag ni Super Tekla nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) sa GMA Network Center noong nakaraang linggo.

Matatandaan na  bago maging co-host ng "Wowowin," naging contestant muna si Tekla. Dito niya ikinuwento ang kaniyang buhay na nagdulot ng magkahalong iyak at tawa sa mga manonood.

WATCH: Stand-up comedian na si Super Tekla, iyak-tawa uli ang hatid sa 'Wowowin'

Thankful naman si Tekla sa nangyari sa kanila ni Willie noon dahil nauwi iyon sa pagkakaroon niya ng kontrata sa GMA Artist Center at nakalabas siya sa iba’t ibang shows, kabilang na ang magkaroon sila ni Boobay ng sarili nilang show.

Nagsimula ang TBATS sa GMA Online Exclusives at milyon ang nakukuha nitong views every week. Kaya naman naisipan nang bigyan sila ng timeslot sa GMA-7 tuwing Sunday after Kapuso Mo, Jessica Soho starting January 27.

pag-amin ni Tekla, labis siyang nalungkot nang mawala si "Wowowin" at inisip niyang bumalik na lang sa Cotabato.

Pero dininig umano ng Diyos ang kaniyang panalangin at nakatanggap siya ng tawag mula sa mga tag-GMA.

“Pero siguro nga, blessing in disguise iyon.

“Nadinig ng Diyos ang panalangin ko. Bigla akong tinawagan ng mga taga-GMA-7 at gusto raw nila akong kuning talent.

“Doon na nagsimula ang lahat. Naisipan na nilang gawin ang show na ito with Boobay.

“Kaya si Boobay ang pinartner sa akin, kasi si Donita Nose nasa Wowowin pa that time," kuwento niya. --For the full story, visit PEP.ph