Tila mas nagiging open na si  "Eat Bulaga" dabarkads pagdating sa kaniyang love life. Katunayan, sa special advance screening ng pelikulang "Born Beautiful" sa UP Cine Adarna noong Biyernes, January 18, kasama pa niya ang napapabalitang nobyo niya ngayon na si Kenneth Gabriel Concepcion.

Sa ulat ni Rey Pumaloy sa PEP.ph nitong Lunes,  sinabi nito na umamin na si Paolo tungkol sa relasyon nila ni Kenneth, na isang nurse.

Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), " mabilis na "siyempre" raw ang naging sagot ni Paolo nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila.

Samantala, "E, di go!" naman daw ang natatawang reaksyon ni Paolo nang sabihan kung kumpirmasyon pa ng kanilang relasyon ang pagsama niya kay Kenneth sa advance screeening.

Si Paolo na rin ang nagsabi na dalawang buwan pa lang ang kanilang relasyon.

Nang tanungin kung ano ang nagbunsod sa kaniya na maging open sa status ng kaniyang personal life, natatawang sabi ni Paolo,  “Thirty-six years old na ako, ’no!”

Mabilis na "yes," naman ang sagot ni  Paolo nang tanungin kung naniniwala siya sa same-sex marriage.

Bukas din umano ang aktor sa posibilidad na ikasal siya sa kapwa lalaki.

Pero paglilinaw ng aktor, hindi pa nila napag-uusapan ni Kenneth ang tungkol sa kasal.-- For more showbiz news, visit PEP.ph