Aminado si Kylie Padilla na marami nang nagbago sa kaniya, pati sa pananaw sa buhay, mula nang pumasok sa buhay may pamilya.

 

 

"There's a lot that's been going on. And I think ever since I gave birth, in that period, there has been a lot of growth, and 'yun talaga 'yung gusto ko, na mag-mature pa, mas maintindihan ko pa 'yung mga bagay-bagay, and look at the world from a different perspective. So ayun, I think sana, I'm different," saad ni Kylie sa media conference ng pinagbibidahan niyang "TODA One I Love"  nitong Miyerkoles sa GMA Network.

At dahil nasa buhay may-pamilya na, tinanong si Kylie kung pang-ilan ngayon ang showbiz sa kaniyang priorities.

"I don't think there's a number. Feeling ko, kasi ako, I really challenge myself. So every moment 'yun. So right now, ang priority ko is showbiz kasi nga dito ako. Pero pag-uwi ko, switch na naman ako, si Alas, tapos switch na naman ako, asawa ko, tapos ganu'n na. Talon talon lang ako 'cause I believe kaya ko 'yung ganu'n, 'yung challenge na 'yun," paliwanag ng aktres.

Nagpasalamat naman si Kylie sa GMA Network sa patuloy na pagbibigay sa kaniya ng mga proyekto.

"Ever since naman po GMA has been really kind to me and really understanding. I'm really, really very thankful, kasi, thank you so much. This show, sobrang nagpapasalamat ako kasi pinaganda talaga, sobrang ganda ng story, ang ganda ng character ko, so 'yun. Ang gagawin ko na lang is do my best, continue to get better at my craft," ayon sa aktres.

Sa "TODA One I Love," gagampanan ni Kylie ang role ni Gelay, anak ng tricycle driver na kababata ni Emong (Ruru Madrid). Bilang magkababata, may gusto siya kay Emong ngunit nakikita lamang ni Emong si Gelay bilang nakababatang kapatid.

Magkakahiwalay sila ng landas dahil magtatrabaho sa abroad si Emong bilang mekaniko. Pero mapipilitan siyang umuwi ng bansa dahil magsasara ang kumpanya na kaniyang pinagtatrabahuhan kaya muli silang magkikita ng dalaga nang si Gelay.

Mahuhulog ang loob ni Emong kay Gelay, ngunit makaka-agaw niya sa puso nito si Kobe Generoso (David Licauco), anak ni mayor Migs (Victor Neri) at dating mayor na si Dyna (Gladys Reyes).

Tinanong naman ng press kung sino sa tingin niya ang "pinakabongga" kina David, Ruru o Aljur.

"May ganu'n? Okay naman kayo guys! Pero, asawa ko pa rin!," natatawang sagot ni Kylie.

"Si Gelai siguro mas na-amazed kay Emong, kasi crush niya. Pero ako, asawa ko pa rin," dagdag niya.

Mapapanood ang "TODA One I Love" sa GMA Telebabad sa Pebrero 4. -- FRJ, GMA News