Ang pagkainis, napalitan ng kilig at napaiyak na lamang si Barbie Forteza nang sorpresahin siya ng kasintahang si Jak Roberto sa loob ng kanilang bahay sa Valentine's Day.

Sa video na in-upload ni Barbie sa kaniyang YouTube channel, makikita ang todo-effort na romantic set-up ni Jak na may kasamang mga kandila at chandeliers, sa tulong na rin ng mga magulang ni Barbie.

Napaiyak na lamang si Barbie matapos buksan ang pinto at makita ang pinaghandaan ng boyfriend, saka siya inabutan ni Jak ng bouquet ng mga bulaklak.

Bukod dito, pinagsilbihan pa siya ng boyfriend ng paboritong niyang bistek at chorizo na si Jak mismo ang nagluto.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Just when you think Vday is over... Link in bio for the full video! ?

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

 

Bago mag-Valentine's Day, sinabi raw ni Jak kay Barbie na huwag nang magdiwang ng Valentine's Day at magtrabaho na lamang, na ikinagalit umano ng dalaga.

Basahin ang mensahe ni Barbie:

"Best surprise... yet.

Sabi niya ba naman kasi saken, "May trabaho tayo sa Vday kaya di natin mace-celebrate. Ikaw naman. Wag mo ng i-big deal ang Valentine's"

Kaya mula kahapon sa taping, super dedma na ko sa kanya.

Tapos may pa-ganito pala....

Maraming salamat sa lahat lahat, Mahal Ko! Sorry po kung nagalit ako agad dahil akala ko wala lang sayo ang araw na to. Yun pala, last week mo pa pinaplano.

Happy 2nd Valentine's, Mahal Ko! Mahal na mahal kita," saad ng dalaga. --FRJ, GMA News