Nagbalik na sa Pilipinas si Catriona Gray para sa kaniyang grand homecoming.

Sa Instagram, nagbigay ng maikli pero makahulugang mensahe ang Miss Universe 2018 titleholder tungkol sa kaniyang pagbabalik sa bansa.

"How I’m feeling that I’m home!! ???????????????????? Philippines, I’ve missed you!! ???????????????????????? I can’t wait to see and celebrate with all of you!!! ???? @missuniverse #MissUniverse" ayon kay Catriona, na nagpost ng mga larawang todo ang ngiti.

READ: Catriona Gray: The KMJS Interview

 

 

Bumalik sa Pilipinas noong Disyembre si Cat para makapiling ang kaniyang pamilya matapos mapanalunan ang korona sa Thailand, pero agad naman itong lumipad patungong New York para gampanan ang kaniyang Miss Universe duties.

Sa kaniyang muling pagdating, inaaasahan na mas mahabang panahon ang mailalaan ni Cat para sa kaniyang mga Pinoy fans na walang sawang sumusuporta sa kaniyang kampanya. —JST, GMA News