Nilinaw ni Paolo Contis na hindi bawal makita ni Paulo Avelino ang anak nito kay LJ Reyes na si Aki.

Si Paolo ang partner ngayon ni LJ, na dati namang girlfriend ni Paulo.

Sa isang panayam kasi ni Paulo sa media, tila may hinanakit ito dahil hindi raw niya nakikita ang anak nila ni LJ.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo, tinanong namin kung ipinagbabawal ba ni LJ na makita ni Paulo ang kanilang anak.

Sagot ng Kapuso actor, "No comment. Siya [LJ] tanungin niyo.

"Not my place to ano [answer]. Pero walang bawal. Definitely wala.”

Wala ring bawal kay Paolo?

Tugon niya, "Wala, definitely! Walang bawal sa side namin."

Wala naman daw balak si Paolo na i-adopt legally si Aki.

Samantala, hindi pa masagot ni Paolo kung kailan sila magpapakasal ni LJ.

Hindi pa annulled ang kasal ng aktor sa estranged wife nitong si Lian Paz.

Ayon kay Paolo, “Yes. As long as all legal things will be settled, rest assured, I would love to marry her.”

Hindi naman maidetalye ni Paolo ang tungkol sa annulment case nila ni Lian dahil nasa korte pa raw ito.

Sabi niya, “I cannot talk about my case.

"Of course, alam naman ng lahat na inaayos namin ni Lian yung annulment namin.
"So, after that, hopefully we can [get married]."

Nakausap ng PEP.ph si Paolo sa grand media conference ng "Hiram na Anak" noong Lunes, February 18, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue corner EDSA, Quezon City.

Ipalalabas ang Hiram na Anak simula sa February 25 bago mag-"Eat Bulaga."--For more showbiz news, visit PEP.ph