Dahil mahilig ang mga Pinoy sa hugot lines at mga kuwento ng pag-ibig na nakaka-fall, ihahandog ng GMA Public Affairs ang digital short film na "One Hugot Away," na magtatampok ng mga istorya ng pag-ibig na tiyak na marami ang makaka-relate.

Magiging available ang "One Hugot Away" sa Facebook at YouTube accounts ng GMA Network sa na mapapanood sa Marso 25, pero mapapanood din ang snippets nito sa telebisyon sa GMA-7.

Para sa unang offering ng "One Hugot Away," bibida sina Shaira Diaz at David Licauco sa kuwento nina Ella at Ben na pinamagatang "Walang Label."

Kahit naging "very close" sina Ella at Ben sa loob ng anim na buwan at "enjoy" na kapiling ang isa't isa, hindi pa rin opisyal na madeklara na "more than friends" ang kanilang pagtitinginan.

Ano kaya ang mangyayari kapag tinanong na ni Ella si Ben tungkol sa label ng kanilang relasyon?

Mapapanood sa TV ang snippets ng short film sa commercial gaps ng "Kapuso Movie Festival," "Wowowin," at "My Golden Life."

Sa March 25, mapapanood ng netizens ang two-part story ng 7:00  p.m. sa Facebook at YouTube accounts ng GMA Network.

Dapat ding abangan ng viewers sa Marso 28 sa timeslot ng "My Golden Life" kung ano ang kahihinatnan ng kuwento nina Ella and Ben.

Mapapanood naman ng netizens ang finale ng digital love story sa Marso 29, alas-dose ng tanghali.

Ang unang "One Hugot Away" short film ay isinulat ni James Estrada at sa direksyon ni Zig Dulay.

"Sobrang na-excite ako. Sobrang happy ako kasi bago ipalabas ‘yung Sahaya, ginawa na natin ito (One Hugot Away). Suwerte namin kasi nakatrabaho namin si Direk agad kasi alam namin na magiging big hit ‘yung 'Sahaya,'" sabi ni Shaira tungkol kay direk Zig.

"Direk, thanks to you kasi ang gaganda ng mga shot and camera work. Ang galing... Inalagaan at inalalayan niya kami," ayon pa kay Shaira.

"First time ko naka-encounter ng direktor na hindi ako pine-pressure but at the same time, ang galing. ‘Yung approach ni direk sa ‘min, ‘di nakaka-pressure. Ang bait-bait lang," sabi naman ni David.

Si "The Clash" alumna Muriel Lomadilla ang kumanta ng theme song na "Bakit 'Di Na Lang Tayo," sa panulat ni Roxanne Fabian at mixed ni Andrea Cullla, sa ilalim ng GMA Post Music Production.

Mapapanood ang "One Hugot Away" sa Facebook ng GMA Network(www.facebook.com/GMANetwork) at YouTube (www.youtube.com/GMANetwork), at sa GMA-7.-- FRJ, GMA News