Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan nina Ice Seguerra at Liza Diño ang kanilang love story, na nagsimula noong sila ay mga estudyante pa. Kasabay nito, inihayag din ng mag-asawa kung paano nila ipinaliwanag sa anak na si Amara ang kanilang pagiging magulang sa kaniya.

Unang nagkakilala sina Ice at Liza sa set ng isang TV show noong 1999, at naging close sila dahil hindi okay noon si Liza sa kaniyang boyfriend.

"Bago 'yung feelings na 'yun sa akin eh, parang I was getting so, so confused na, 'Teka muna, alam ko ang attraction ko sa lalaki, bakit ako na-a-attract kay Ice?" ayon kay Liza.

Hanggang sa magkahiwalay sila ng landas. Tumira si Liza sa Amerika para mag-aral ng culinary arts at maging chef. Samantalang itinuloy ni Ice ang kaniyang showbiz at singing career.

Nag-asawa si Liza pagbalik niya ng Pilipinas at nagkaroon ng anak na si Amara, ngunit kalaunan, naghiwalay din sila ng asawa.

Taong 2013 nang muling magtagpo sina Ice at Liza, at naging tuloy-tuloy na ang kanilang pagmamahalan. Sa sununod na taon, ikinasal na sila sa Amerika.

"Parang ang dali niyang mahalin, ang dali niyang makausap. And I just really enjoy being, like I love her, I really, genuinely like her," sabi ni Ice.

"They say that to love a person is always a conscious decision. 'Are you gonna love this person today or not?' It's easy to love, but to be in love with that person everyday, 'yun 'yung always challenge sa isang couple," para naman kay Liza.

Inamin ng mag-asawa na proseso ang kanilang pinagdaanan sa pagpaliwanag kay Amara ang tungkol sa kanilang relasyon at pagiging magulang sa kaniya. Panoorin.

--FRJ, GMA News