Malapit nang ipalabas ang music video ng collaboration nina Julie Anne San Jose at Gloc-9 na "Maleta."

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing aminado si Julie Anne na na-starstruck siya kay Gloc-9 dahil idolo niya ito.

Ayon pa sa singer-actress, pangarap din niyang makasama sa projects ang iba pa niyang iniidolo tulad nina Rico Blanco at Chito Miranda.

Samantala, sizzling hot si Julie sa kaniyang pink high cut one piece swim suit at sunvisor na ini-post niya sa Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tis the season

A post shared by ???IE ???E ??? ?O?E (@myjaps) on

 

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras", sinabi ni Julie na biglaan lang daw iyon at walang ka-planu-plano.

Nakakuha agad ito ng libu-libong likes.

"Bakit ba natin pinag-uusapan? Yeah, random. Actually, kaya lang ako nakapag-post sumegue lang ako ng photoshoot. Quick pictorial," anang singer-actress.

Ayon sa ulat, nasa taping ng summer special ng Studio 7 si Julie at kinunan ang larawan habang naka-break siya.

"We're very excited about it kasi first time namin pumunta ng resort at magkaroon ng summer special. Masaya kasi magkakasama kaming lahat," ayon pa kay Julie.

Naghahanda na rin si Julie sa Kapusong Pinoy presents Studio 7 Musikalye na gaganapin sa Mayo 11 sa King's Theatre sa Brooklyn, New York.

Looking forward daw si Julie namakapunta sa broadway bukod pa sa pagpapasaya sa mga Kapuso abroad.

"I wanna watch a play. At least one siguro bago kami bumalik ng manila," Julie Anne San Jose

Makakasama ni Julie sina Christian Bautista, Rayver Cruz, Kyline Alcanatara, Golden Canedo, Betong Sumaya, at Alden Richards.

"Paghahandaan namin ang mga prod numbers na gagawin namin talaga na parang solid concert siya na talagang pang matindihan. Iniisip ko na nga kung ano pwede kong gawin eh," ayon kay Rayver.

Pangalawang beses na rin nina Betong at Christian doon, na hindi nila malilimutan ang kanilang first time doon dahil naligaw sila sa subway ng NYC.

"Naligaw kasi kami talaga. Sobrang bonding namin, makarating lang du'n sa restaurant na pupuntahan namin," ani Betong.

"That's what I love about New York. You can get lost and find something amazing," sabi naman ni Christian.-- FRJ, GMA News