Bilang dating Eat Bulaga Dabarkads member, muling sumabak si Cindy Kurleto sa sikat na larong "Pinoy Henyo."

Hindi pa rin nakalilimutan ni Cindy ang mga pagkaing Pinoy kaya nahulaan niya agad ang sinigang at lechon.

Mahulaan naman kaya ni Cindy ang karakter niyang si Cassiopeia? Panoorin.

Bumalik si Cindy sa Pilipinas matapos mapili bilang ambassadress ng isang skin care brand.

Naninirahan si Cindy sa Vienna, Austria kasama ang partner na si Daniel at dalawang anak na sina Noa at Lima. —Jamil Santos/LBG, GMA News