Ipinalabas na ang unang bahagi ng digital short film na "One Hugot Away: Walang Label," na kinatatampukan nina Shaira Diaz at David Licauco. 

Bakit nga ba may mga magkakaibigan na kahit ramdam na nila na "more than friends" ang kanilang pagtitinginan ay hindi pa rin nila malagyan ng "label" ang kanilang relasyon? Panoorin.

Nitong Lunes, March 25, ipinalabas sa Facebook at YouTube accounts ng GMA Network ang naturang digital short film na handog ng GMA Public Affairs.

Mapapanood ng netizens ang finale ng digital love story sa Marso 29, alas-dose ng tanghali. -- FRJ, GMA News