Wala umanong problema kay Sophie Albert na maging “Salome” (tagasalo, second choice) sa role niya bilang kabit ni Jason Abalos sa bagong Kapuso teledrama na "Bihag."

Sa ulat ni Jerry Olea sa PEP.ph, sinabing si Kim Domingo ang first choice sa naturang role na napunta kay Sophie.

“Like all teleseryes naman, wala namang set in stone until umere,” nakangiting pahayag ni Sophie sa mediacon nitong Marso 25, Lunes ng gabi, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

“And siyempre, napunta sa akin, very thankful ako.”

Naging “Salome” rin before si Sophie bilang kabit naman ni Rocco Nacino sa dating Kapuso teleseryeng "Pamilya Roces."

Ang first choice naman sa naturang role ay si Winwyn Marquez.

Kasabay nito, wala rin daw problema kay Sophie kung malinya siya sa mga paseksi na role at eksena.

“I’m young. You know, I’m not gonna be young forever,” saad niya.

“Roles like this na... ngayon ko lang siya magagawa in my entire life. So, while I can do things like this, why not?

“Pag kasal na ako, baka hindi ko na puwedeng gawin ang mga ganyan-ganyan, di ba?" dagdag niya.

Nagpupursige rin daw si Sophie na mapabuti ang kanyang acting para patunayang hindi lang sexiness ang maio-offer niya.

Sa Abril 1, Lunes ng 4:15 P.M., mag-uumpisang ipalabas ang Bihag sa GMA 7.
Maliban kina Sophie at Jason, nasa cast nito sina Max Collins, Mark Herras, Neil Ryan Sese, at ang child actor na si Raphael Landicho.-- For the full story, visit PEP.ph