Hindi na kinailangan ni Karylle ng special effects para ipakita ang kaniyang itinatagong mahika.

Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," muling nagsama-sama ang original Sang'gres na sina Diana Zubiri, Sunshine Dizon at Karylle para sa pelikula nilang "Mystified."

Inanunsyo ni Sunshine na may "Asian tour" ang pelikula, na magiging available sa 23 na bansa.

Nag-demo rin ang tatlo kung paano nila ginagawa ang kanilang "Mystified" gestures, ngunit si Karylle, ipinakita na agad on-cam kung paano ang kaniyang magic. Panoorin.

—Jamil Santos/LBG, GMA News