Sa pamamagitan ng Instagram post,  inihayag ng Filipino-Canadian YouTube star at vlogger na si Mikey Bustos na isa siyang gay.

Sa kaniyang IG post nitong Linggo, nakasaad ang #NewLife sa kaniyang kasama ang kaibigan na si RJ Garcia habang nasa Puerto Galera.

May kasama pang red heart at rainbow flag emojis na simbulo ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Easter! ?????????????? #NewLife

A post shared by Mikey Bustos (@mikey_bustos) on

 

Unang nakilala si Mikey dahil sa kaniyang mga video sa YouTube na nagpapakita ng nakatutuwang katangian at kultura ng mga Pinoy.

Sa isa pang larawan nila ni RJ, nakasaad ang caption na "freedom."

Sa isa pang post, nabanggit ni Mikey sa caption na ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang ipagtapat niya sa kaniyang ama ang kaniyang sexual orientation.

"Figuring out how to navigate life in the most authentic and positive way has been such a long +37 yr journey for me, and at this moment, I feel I've reached some kind of karmic jackpot! It's 2019 (as my dad put it when I came out to him a few weeks ago), and a great time to be alive LGBT," saad niya.

 

 

Kasabay nito ang pasasalamat niya sa mga sumusuporta at nagmamahal sa kaniya. Sasagutin daw niya ang maraming tanong pagbalik niya sa pag-vlog.--FRJ, GMA News