Matapos ang pasilip na umbok ng kaniyang tiyan o baby bump sa isang larawan, muling nag-post sa kaniyang Instagram account si Gwen Zamora ng larawan at nagbigay ng kaunting detalye tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Sa larawan, makikita na malaki na ang tiyan ni Gwen habang naka-bikini.

Nagpasalamat siya sa mga natanggap na suporta at pagmamahal nitong nakalipas na mga araw.

"Super overwhelmed with all the Love and support @djsemerad and I have received the past day. Sorry we haven’t gotten to reply to everyone but be assured it touched us deeply," saad nito sa caption ng larawan.

"We are looking forward to receiving this little one into the world. Stay tune, for our gender reveal on May 10," patuloy niya.

 

 

Nag-post din ng hiwalay na larawan si David sa kaniyang IG account kung saan inihayag niya ang kasabikan na maging ama.

"Im going to be a Father and i cant wait to take this journey with you @gwenzamora," saad niya.

 

Una rito, nag-post ng larawan si Gwen na kita lang ang umbok ng kaniyang tiyan nang batiin ang kaniyang nobyong professional basketball player na si David Semerad, na nagdiriwang ng kaarawan.

KILALANIN: Dating 'Bubble Gang' babe, buntis

Marami ang nasorpresa at natuwa sa naging rebelasyon ni Gwen. -- FRJ, GMA News