Sumabak sa pagsasanay sa paghawak at pagpapaputok ng baril ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia para sa kaniyang upcoming project.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabi ng aktres na ang susunod niyang proyekto ay malayo sa kaniyang personalidad at nakasanayang mga role.

"The gun itself it was kind of intimidating at first. Pero once you know the proper stance, you know how to handle the gun properly, it's actually exciting. It's thrilling," saad niya.

Dahil first time niya ang paghawak at pagpapaputok ng baril, ang 6-time world champion sa shooting na si Jethro Dionisio ang nag-training kay Gabbi.

"Ang unang-una is the safety factor of handling a firearm. Ang goal natin, once they handle a firearm lalo na sa mga scenes nila oncam maging realistic as possible," ayon kay Jethro

Natutuwa si Gabbi na mabigyan siya ng pagkakataon na sumabak sa action project.--FRJ, GMA News