Ibinahagi ng mga dating miyembro ng all-female group na SexBomb Girls na sina Aira Bermudez, Che Che Tolentino at Mia Pangyarihan ang sikreto kung paano nila pinananatili ang pagiging fit at sexy.

Sa programang "Sarap 'Di Ba?" nagbigay ng update sina Aira, Che Che at Mia sa kanilang mga buhay-buhay.

Dalawang restaurant na raw ngayon ang pinatatakbo ni Mia, samantalang celebrity instructor at nag-aasikaso ng corporate hosting na si Che Che.

Si Aira naman, ipinagpatuloy ang "legacy" ng SexBomb, tumayo bilang Joy Cancio at binuo ang susunod na henerasyon ng mga miyembro nito.

Panoorin ang kanilang pagbabahagi.

—Jamil Santos/KG, GMA News