Kung dati ay istrikto bilang kuya, maluwag na ngayon si Tom Rodriguez sa nakababata niyang kapatid na babae, mula nang matuto siyang huwag ding maghigpit sa sarili.

Sumabak si Tom "One word caption challenge" sa Unang Balita kung saan nagkuwento siya tungkol sa mga photos sa kaniyang Instagram.

Ikinuwento ni Tom na pagdating sa pagpapapayat, lagi siyang may "cut-off."

 

"Hanggang three days lang lagi, may cutoff. May cutoff 'yung pagpapa-macho at pagpapapayat lagi. Pagbalik ko, after I come back from the States, maggaganyan (boxing) na ako ulit."

Ang susunod na video naman ay ang pagkanta niya sa isang food park.

 

"That's my second time singing that song. The first time was nu'ng nag-guest ako sa TWAC (Tonight With Arnold Clavio). They had the song there but I never performed it before and I messed it up there. Kaya sabi ko nu'ng na kila Popoy's ako, I felt it was low-risk kasi kami-kami lang naman. So I felt safe, I felt I wanted to give it another go."

 

Ikinuwento naman ni Tom na binisita siya ng kaniyang nakababatang kapatid nitong nakaraang buwan.

"Dati strikto daw ako, kuwento sa akin ng younger sister ko, lalo na when it came to their clothing. Pero, (He he he) ano na daw? They don't know what happened but I'm super chill and relaxed about it. Siguro I put a lot of pressure on myself being the eldest brother. It was only later on in life that I learned to relax a bit more and have fun."

Ipinaliwanag din ni Tom ang kuwento sa likod ng kaniyang impromptu song na On That Train.

"Sa sobrang pag-e-enjoy niya du'n, when we were on the train back, she was dreading coming home... listening to the tracks, I kinda set the keys and set up a sort of rythm in my head and I started hearing the melody, and the lyrics just started coming in. And it was about taking the essence of what we enjoyed there here."

Mapapanood si Tom sa Dragon Lady.

 

Lilipad naman si Tom sa California para makisaya sa mga Pinoy sa "Mabuhay Festival," at kakanta rin ng mga numbers.

 

—Jamil Santos/LBG, GMA News