Minulto si John Estrada habang nagsu-shooting ng pelikulang "The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story," na palabas na ngayon sa mga piling sinehan ng bansa.

Si Mayor Halili ang mayor ng Tanauan, Batangas na binaril noong July 2, 2018 habang nasa flag-raising ceremony.

“I saw it with my own two eyes, na yung palakol sa sala, may eksena kami doon ni Direk, nahulog na lang basta!” kuwento ni John sa mediacon nitong Mayo 21, Martes, sa Max’s restaurant sa Scout Tuazon St., Quezon City.

“Yung palakol na yun, hindi siya yung parang kahit na hanginan, e, bigla na lang, basta-basta na lang mahuhulog. Kasi, mabigat.

“So, isang parang figurine iyon na nasa sala nila, na noong sinabi namin kay Ma’am Gina [Halili, asawa ni Mayor Halili], medyo dinismiss ni Ma’am Gina iyung sarili niya, parang naging emotional, dahil alam niya.

“Alam niya, nandoon. Naramdaman namin na nandoon talaga si Mayor parati during our shooting days.

'Tapos, yung patay-sindi ng ilaw, pati yung ilaw namin sa set, at tsaka yung PA ni Ara [Mina] na nakakainis!” at tumawa si John.

“May third eye daw siya at meron talaga, talagang vocal siya, sinasabing nakikita niya si Mayor na, you know, roaming around the house talaga.

“To tell you the truth, kaya nga medyo praning ako noong una, sabi ko, ‘Direk, pasensiya ka na, hindi ako takot sa tao, pero sa multo, takot ako!’

“Baligtad, e, talagang takot ako sa multo. Ayoko yung mga feeling na, ‘Dyusko, may nagpaparamdam!’

“Nagkukuwentuhan nga kami nina Direk na sabi ko, ‘Paano kung bayaran ka ng isang milyon, maiiwan ka rito?’

“Kasi medyo malaki yung lugar nina Mayor sa Tanauan, e. ‘Mag-isa ka lang, 'tapos brownout,' tapos may sumisitsit sa ‘yo.’

“Parang ganun!” at muling tumawa si John.

“Sabi ko, hindi ko kakayanin, baka atakihin ako sa puso, di ba? Pero naramdaman namin yun.

“Hindi man ako naniniwala siguro sa multo, but I know for a fact that merong mga espiritu—again hindi ako expert—na alam kong nandiyan lang because they still need some issues to fix, di ba?

“Some, di ba, parang probably justice, yung mga ganun. So, sana sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mayor Halili,” sabi ni John.

May pinanggalingan daw ang takot ni John sa multo dahil sa naging karanasan niya noong bata pa siya.--For the full story, visit PEP.ph