Nais ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ipa-ban ang pagpapatugtog at pag-promote sa awiting "Amatz" ng Pinoy rapper na si Shanti Dope dahil sa mensahe umano nito na nag-e-engganyong gumamit ng marijuana.

Sa inilabas na pahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino nitong Huwebes, ipinaalam nito na sumulat sila [na may petsang May 20, 2019] sa Movie and Television Review and Classification Board, Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, at ABS-CBN Corporation, upang hilingin na pigilan ang  pag-promote at pag-ere ng "Amatz" sa iba't ibang media stations sa bansa."

Ayon sa PDEA, ang chorus ng awitin ay, "is mostly about ‘Lakas ng amats ko, sobrang natural, walang halong kemikal’."

Sinipi rin nito ang liriko sa awitin na nagsasaad na, “Ito hinangad ko; lipadin ay mataas pa sa kayang ipadama sa'yo ng gramo, 'di bale nang musika ikamatay.”

“It appears that the singer was referring to the high effect of marijuana, being in its natural/organic state and not altered by any chemical compound,” sabi ni Aquino.

“We respect and appreciate our artists in the music industry, however, we strongly oppose the promotion of musical pieces or songs that encourage the recreational use of drugs like marijuana and shabu. It is contrary to our fight against illegal drugs,” dagdag niya.

Ayon pa sa PDEA, "the airing of the song that features the use of illegal drugs as harmless may mislead the vulnerable youth in their perception that it is all right to use illegal drugs."

Iginiit ni Aquino ang mensahe ng awitin ay salungat sa kampanya ng kasalukuyang administrasyong Duterte laban sa droga.

Iginiit din ng PDEA na dapat i-ban ang iba pang awitin na may katulad na tema na naghihikayat sa paggamit ng droga.

Sinisikap pa ng GMA News Online na makuha ang panig ng mang-aawit. — FRJ, GMA New