Nagsalita na si Aiko Melendez kaugnay ng kumalat na balitang tinuldukan na diumano nila ni Jay Khonghun ang kanilang relasyon pagkatapos ng eleksyon.

Ayon pa sa balita, ipinadala raw ni Jay ang mga gamit ni Aiko sa Zambales papunta sa bahay ng aktres sa Quezon City.

Nanalong bise gobernador ng Zambales si Jay, na personal na ipinangampanya ni Aiko nitong nakaraang eleksyon.

Sa isang mahabang Facebook post ngayong Biyernes, May 24, naghayag ng kanyang saloobin si Aiko kaugnay ng balitang pinalayas siya ni Jay at hiwalay na sila.

Aniya, "No truth to the rumors, that Jay Khonghun Sent my things over and pinalayas po ako?

"Nakakatawa ung pinalayas ????

"Una, our usapan was 45 days lang 'di ba.

"Di naman kami live in po, Tumulong ako sa kampanya pero uuwi din ako sa bahay ko after kasi kasama ko mga anak ko dun.

"I just want to make it clear po na pinakuha ko po mga gamit ko coz most of the clothes, that i left in their subic home, were the ones na kasya sa akin actually narealized ko maluwag na dn.

"Being the prudent Iam, ayaw ko bumili bago, kasi nga ung weight loss ko every week nagbabago.

"Pinakiusapan ko sya baka pwede padala nya mga gamit ko and he did through his staff."

Balik-Kapuso si Aiko at mapapanood sa upcoming series na  "Prima Donnas" na pangungunahan ng Kapuso young actresses na sina Jillian Ward, Sofia Pablo, Althea Ablan at Elija Alejo.-- For the full story, visit PEP.ph