Nakipag-bonding ang mga cool celebrity daddy na sina Zoren Legaspi at Benjie Paras sa "Sarap 'Di Ba," kung saan ibinunyag ng kanilang mga anak ang kanilang mga kakulitan.

Si Zoren daw ang champion pagdating sa pagiging Gwapong Gwapo Sa Sarili, na mahilig patabihin sina Mavy at Cassy sa background para masolo ang kaniyang selfie.

Si Benjie Paras naman, mahilig sa mga lumang kotse kaya naimpluwensiyahan na rin ang anak na si Andre.

Panoorin ang mensahe ng mga anak nina Zoren at Benjie sa kanila para sa Fathers' Day.

— Jamil Santos/DVM, GMA News