Sa programang "Sarap 'Di Ba?" sinabi ni comedy genius at "Family History" director Michael V. na nadiskubre niyang mas mahirap ang produksyon sa pelikula kaysa TV, na taliwas sa una niyang inakala.

Saad ng Kapuso comedy genius, mas metikuloso ang pag-iilaw sa pelikula at kailangan na handa rin ang isang direktor "physically."

Ikinuwento rin ni Bitoy na sa dami ng kaniyang role sa "Family History," nakalilimutan na niyang siya pala ang direktor. Panoorin.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--Jamil Santos/FRJ, GMA News