Hindi man para sa pelikula o teleserye, nagawa pa rin ni Kyline Alcantara na matupad ang isa niyang pangarap na makaeksena ang kaniyang idol na si Cherie Gil, at magawa nila ang iconic "copycat" scene.

Nakapanayam ni Kyline, online host ng "Starstruck Insider" na mapapanood sa Facebook at Youtube, ang isa sa mga Starstruck council na si Cherie habang nasa dressing room.

Dati nang sinabi ni Kyline ang matinding paghanga niya kay Cherie at pangarap niyang makatrabaho ito at masampal siya sa eksena.

Kaya naman hindi na pinalampas ni Kyline ang pagkakataon na magawa niya [kasama si Cherie] ang iconic scene nina Dorina at Lavinia sa 80s movie na "Bituing Walang Ningning."

Pero hindi na umabot sa buhusan ng tubig at sampalan ang naturang tagpo dahil ang talagang pakay ni Kyline sa batikang aktres ay makapanayam ito at alamin ang laman ng bag. Panoorin.

Click here for more Starstruck videos:

--FRJ, GMA News