Inanunsyo na nitong Huwebes ang 10 official entries para sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019.

Pinangunahan ni Film Development Council of the Philippines chair Liza Diño-Seguerra ang pag-anunsyo sa 10 pelikula para sa ikatatlong taon ng PPP, na kasabay ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino.

Ang mga pelikula ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

-"LSS". Gaganap dito si Kapuso star Gabbi Garcia, at aktor na si Khalil Ramos. Kasama rin nila ang bandang Ben&Ben.

 

 

-"The Panti Sisters." Pelikula nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables. Kasama rin si Adi Raj.

 

 

-"Watch Me Kill." Bibida rito sina Jean Garcia at Jay Manalo.

 

 

-"Circa." Kasama ang mga beteranong aktor at aktres na sina Anita Linda, Gina Alajar, Laurice Guillen, Jacklyn Jose, Ricky Davao at may special participation ni Eddie Garcia.

 

 

-"Cuddle Weather"

 

 


-"G!"

 

 

-"I'm Ellenya L." Sa direksyon ni Boy 2 Quizon.

 

 

-"Open"

 

 

-"Lola Igna." Tampok si Ms. Angie Ferro

 

 

-"Pagbalik"

 

 


Ipalalabas ang mga naturang pelikula sa Setyembre 13-19, 2019.--FRJ, GMA News