Ipinakita na ng "Mars Pa More" host na si Camille Prats ang larawan ng bago nilang baby ni VJ Yambao na si Nolan Cristiano.

Si Nolan, na isinilang nitong Huwebes ay ikalawang anak nina Camille at VJ.

READ:  Camille Prats, nagsilang na

"Hello world. meet Nolan Cristiano Prats Yambao, born on July 10,2019 at 7:27 am weighing 7.5 lbs," saad ni Camille sa caption ng baby sa Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hello world ???? meet Nolan Cristiano Prats Yambao, born on July 10,2019 at 7:27am weighing 7.5 lbs ???? @nolan_cristiano

Isang post na ibinahagi ni Camille Prats Yambao (@camilleprats) noong

 

Nitong nakaraang Disyembre ibinalita ni Camille ang kaniyang pagbubuntis.

Nobyembre 2017 nang isilang ni Camille ang unang anak nila ni VJ na si Nala.

May isang anak na lalaki naman si Camille sa namayapa niyang mister na si Anthony Linsangan na si Nathan.— FRJ, GMA News