Malapit nang pakasalan ni Tom Rodriguez si Carla Abellana.

“Yup, that’s in the cards na 'yan, malapit na!” natawang pahayag ni Tom nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kapuso telefantasyang "Dragon Lady" noong Hulyo 10, Miyerkules, sa New Manila, Quezon City.

Pero hindi muna sinabi ng aktor kung kailan ito magaganap.

“Ayoko kasing sabihin ang date sa inyo. Siyempre, nakaka-pressure din sa aming dalawa, pero kaming dalawa, alam na namin.

“Pero ano na 'yan…”

May bago pang gagawing show si Carla kasama sina Mikael Daez at Rhian Ramos.
Nababanggit din si Carla na bagay maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy remake ng "Descendants Of The Sun."

Sabi ni Tom tungkol dito, “Labas naman kami dun, e. Kami naman, we’re just very grateful kung anumang project ang maibigay sa amin ng GMA.

"So, sa amin, kung ano, labas kami dun, e.

“Like, we don’t talk about it. Hindi namin kino-consider.

“Siguro for her, ayoko namang magsalita para sa kanya, if I were in her shoes, that will be flattering.

“Pero I don’t think seseryoshin naman ng ano, kasi everyone is just as qualified, and everyone is just as ano.

“Parang we’re all lucky just to be working.

"Nasa Diyos yun. Kung para sa iyo, para sa iyo; kung hindi, hindi.”

Magtatapos ang "Dragon Lady" sa Hulyo 20, Sabado, kung saan si Tom ang leading man ni Janine Gutierrez.

May kasunod na bang project ang GMA-7 para kay Tom?

“May sinabi si Popoy na niluluto, iyon lang," pagtukoy ni Tom sa kanyang manager na si Popoy Caritativo.

"Yun lang, hindi ko sure, hindi ko alam kung ano.

“So, habang wala, I’ll focus on my personal projects.

“Focus ako mga personal businesses, so some online businesses that I’m setting up.” -- For the full story, visit PEP.ph