Ipinasulyap ni Glaiza De Castro sa kaniyang Instagram ang behind-the-scenes ng pelikula nila ni TJ Trinidad na "My Letters to Happy," na showing na ngayon.

Makikita ang pagsisigaw ni Glaiza sa gitna ng kalsada habang umuulan na tila galit na galit at may kaaway.

Inilahad ni Glaiza na kinunan ito sa first shooting day ng kanilang pelikula.

"Hindi ko alam anong emosyon ang gustong puntahan ni Direk @perteepop, pero nagtiwala ako sa kanya. Parang tama naman ang desisyon ko. Malalaman niyo kung bakit ako nag gagaganyan pag pinanood niyo yung pelikula bukas," saad ng aktres sa caption ng video.

 

Ang "Letters To Happy" ay tungkol kay Albert na walang panahon sa pag-ibig at subsob sa pagtatrabaho.

Hanggang sa isang araw, makararanas siya ng hindi magandang pangyayari. Ngunit makikilala niya si Happy na "woman of his dreams" na magpapasaya at muling kukumpleto sa kaniyang buhay.

Kasalukuyang nasa London si Glaiza para mag-aral ng kurso tungkol sa musika. Ito raw first time na mamumuhay ang aktres na mag-isa at malayo sa kaniyang pamilya. --Jamil Santos/FRJ, GMA News