Ipinakilala na ang cast ng bagong Kapuso series na "Beautiful Justice."

Sa unang pagkakataon, magtatambal sina Gabbi Garcia at Derrick Monasterio, at makakasama din nila sina Bea Binene, Yasmien Kurdi, Valeen Montenegro, Bing Loyzaga at Victor Neri.

 

 

Ginanap ang story conference para sa "Beautiful Justice" nitong Biyernes.

"Actually before pa we've been talking to each other pero hindi pa tayo nagkaka-work 'no?" saad ni Gabbi habang kausap si Derrick.

"Finally it has come and what's interesting about this new team up is that we're gonna be involved in some action scenes. This is an action series so it will be more exciting, we have different characters far from the usual," dagdag ni Gabbi sa panayam sa kaniya ng GMA-7 press.

Magiging action-drama ang tema ng series, na kakailanganin ng mga intense na training pagdating sa guns at combat.

"I've never fired a gun before ever in my life. Mga pellet lang, water gun, pero of course, sabi naman ng mga directors and producers na we will undergo trainings na kailangan namin for the show, so expect a show na action siya, pero with a heart," saad ni Derrick.

Ito rin ang magsisilbing pagbabalik ni Bea sa isang series.

"Nakagawa na po ako ng ibang actions before pero ito 'yung action as a tao talaga, na hindi fantasy, na walang powers, walang effects, ganiyan. So ito 'yung very excited ako kasi ito 'yung matagal ko nang sinasabi na gusto ko 'yung may mga baril-baril, 'yung totoong tao na nakikipaglaban."

Ang Beautiful Justice ay sa direksyon ni Mark Reyes V.-- FRJ, GMA News