Handa raw si Yasmien Kurdi na gumawa pa ng mas challenging o daring roles sakali mang kailanganin para sa teleserye. Kabilang daw sa kaya niyang gawin ang magpakalbo.

"Dati ko pang gusto gawin pero wala lang din chance dahil sa mga character ko," inilahad ni Yasmien sa GMA Network nitong Biyernes.

READ: Cast ng bagong Kapuso action-drama series na 'Beautiful Justice,' kilalanin

"Para maiba, maiba 'yung role, 'yung path ko. I am just willing to do anything about my path," saad niya.

Mas bukas daw si Yasmien sa mga daring roles, sa maraming taon na rin niyang pagiging artista.

"Yes, yes. Kahit ano naman. Kung ano ang ibigay sa 'yo 'di ba? Just grab it and get it tapos gawin na lang, husayan na lang. Just do your best."

Minsan nang nag-post si Yasmien noon ng larawan na kalbo siya pero prosthetics o peke lang para sa isang tv guesting niya.

WATCH:  Yasmien Kurdi, nag-post ng larawan na kalbo siya

Bukod dito, inihayag din ni Yasmien na isa sa mga hindi niya nagagawa ay maging isang babaeng sundalo.

Kabilang si Yasmien sa bagong Kapuso drama-action series na "Beautiful Justice," kung saan makakasama niya sina Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Bea Binene at Gil Cuerva.

 

 

"First time ko pong makakatrabaho sina Gabbi, si Bea. So it's a different po na set ng artista. Actually hindi pa kami masyadong magkakakilala. It's very exciting," sabi ni Yasmien.

Kasama rin sa naturang series sina Victor Neri at Bing Loyzaga, na action-drama ang tema.

Inihayag sa ginanap na storycon ng "Beautiful Justice" na kakailanganin nila ng matinding training sa paggamit ng baril at hand to hand combat.

"Laban lang. Kaya natin, kaya ito," masayang sabi ni Yasmien.-- FRJ, GMA News