Tila agresibo at mabilis uminit ang ulo ni Megan Young sa larong basketball nang bigyan niya ng siko ang boyfriend na si Mikael Daez nang hindi niya ito madepensahan.

Sa kaniyang Instagram, inilahad ni Mikael na matagal na siyang naglalaro ng basketball kaya nagdesisyon naman siyang turuan ang girlfriend.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing agresibo na si Megan sa defense sa round one pa lamang pero nakalusot pa rin si Mikael at nakapuntos.

Pero pagdating ng round two, mas naging agresibo pa si Megan, na nagpakawala ng siko sa mukha ni Mikael, na kaniynag ikinagulat. Tuwang-tuwa naman si Megan nang mapatumba ang ka-one-on-one.

Pagbibiro ni Mikael, hindi niya alam na mabilis uminit ang ulo ng kaniyang kalaro at ginamit pa nito ang background sa mixed martial arts.

Ngunit isang paglilinaw na biruan lang ang kanilang sakitan.

 

 

— Jamil Santos/DVM, GMA News