Mas motivated daw ngayon sa pagwo-workout si Rhian Ramos, matapos makatanggap ng "body shaming" online.

Ayon sa ulat ni Athena Imperial sa Star Bites ng Balitanghali ngayong Martes, underbutt isolation exercises daw ang kina-career na workout routine ngayon ni Rhian.

Pero paglilinaw ng aktres, hindi lang para sa aesthetics ang kanyang pag-e-exercise kundi para sa kanyang over-all health.

Minsan nang nasama si Rhian sa sexiest list ng isang men's magazine. —JST, GMA News