Buo ang suporta ni Maine Mendoza para sa pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na "Hello, Love, Goodbye" na ipinalalabas sa mga sinehan ngayon.

Makikita sa Tweet ni Maine ang kaniyang pagbati kina Alden at Kath, at hinikayat pa ang kaniyang followers na panoorin ang pelikula.

 

 

Ni-retweet naman ito ni Alden, at nagpasalamat kay Maine.

 

 

Dinaluhan din ng mga Kapuso stars ang premiere night ng "Hello, Love, Goodbye."

Samantala, may gagawin namang romantic-comedy movie si Maine at makakapareha niya ang aktor na si Carlo Aquino.

Ipinapalabas na ang "Hello, Love, Goodbye" sa 350 cinemas nationwide.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News