Beautiful in black at may pa-bangs pa ang bagong look ngayon ni Heart Evangelista, na kilala sa kaniyang fashion sense at pagsubok ng iba't ibang style. Kasabay nito, inihayag ng "Starstruck" Council member na fan din siya ng K-Pop group na Blackpink.


 

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing ang Italian actress na si Monica Bellucci ang inspirasyon ni Heart sa kaniyang new look, kahit mahirap na i-maintain ang bangs.

"Sobrang, nakita ko siya with bangs and I was like 'Wow!' I also love Mira Duma, she's a Russian personality, she has bangs as well... I want to do something different kasi sometimes I get very bored with my looks."

Abala si Heart ngayon sa kaniyang pagiging Starstruck Council member at mentor sa reality artista search.

Nitong nakaraang linggo, si primera kontrabida Cherie Gil ang nakatapatan ng Starstuck survivors sa kanilang artista acting challenge episode at nakasampalan pa.

Natanong si Heart kung siya na ang susunod na makakasama sa Starstruck challenge.

"Actually kinausap na nila ako kasi ako na lang ang hindi nagpe-perform. So abangan nila kasi magpe-perform na ako. I am a fan of Blackpink so I'm gonna perform something I really love from Blackpink," paghahayag ni Heart.

Samantala, inaabangan din ni Heart ang launch ng isang librong malapit sa kaniyang puso sa susunod na buwan.

Swak aniya ang fashion book na ito sa mga hirap maghanap ng signature style o mga gustong mag-experiment ng kanilang fashion sense tulad ni Heart.

"I've learned to embrace all my imperfections and fashion mistakes in the past and I've felt it was about time for me to share the journey with them," ani Heart.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News