Dalawa ang nataggal at dalawa ang nabigyan ng huling pagkakataon na manatiling buhay ang pangarap na makuha ang titulong Ultimate Starstruck Survivors.

Nitong Linggo, sina Radson Flores at Lexi Gonzales ang nakakuha ng pinakababagong combined votes sa kanilang acting challenge. Dahil dito, sila ang nakalaban nina Ella Cristofani at Jeremy Sabido, na nakakuha naman ng pinakababang puntos noong nakaraang linggo, pero nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng "last chance."

Sa naturang twist ng programa, makakaharap nina Ella at Jeremy ang may pinaka mababang boto kahapon, na nagkataong sina Radson at Lexi.

Ngunit bago ang pagpapasya, binigyan ng pagkakataon ang apat na magbigay ng pahayag kung bakit sila ang dapat manatili pa rin sa kompetisyon mapabilang sa nalalabing walong kalahok.

Si Jeremy, labis na naging emosyonal nang tanungin kung bakit siya ang karapat-dapat na bigyan ng huling pagkakataon.


Habang si Radson, handa raw magsakripisyo para kay Jeremy.


Naniniwala naman si Ella na naibigay na niya ang lahat para mabigyan siya ng second change.



Habang hindi naman daw bibitiw si Lexi para tuparin ang kanyang mga pangarap na makapasok sa showbiz.


Matapos ang matinding deliberasyon at pagsabak sa kanilang pagsubok, sina Ella at Radson ang tuluyan nang nagpaalam sa sa kompetisyon.

Kasama nina Ella at Jeremy sa final 8 sina Kim de Leon, Abdul Raman, Allen Ansay,  Dani Porter,  Shayne Sava, at Pamela Prinster.

Click here for more Starstruck videos:

--FRJ, GMA News