Inilunsad na ang kauna-unahang solo single ni Ruru Madrid na "Nawawala," na isa ring "hugot" song.

Ini-launch niya ito sa ilalim ng GMA Music nitong Biyernes.

 

 

Nauna nang inihayag ni Ruru na mahilig talaga siya sa mga kantang may "hugot" na nagpapaalala sa mga listeners ng "memories of the past."

"Natutuwa ako sa areglo, sa meaning ng kanta na binigay nila sa akin dahil actually, nu'ng first time na pinakinig nila sa akin ito sobrang nagulat ako na parang wow, ang ganda, saka damang dama. Dahil ngayon, alam ko 'yung mga gusto ng mga Pinoy and 'yung mga tao, 'yung may hugot na kanta, 'yung tipong may sakit at maaalala mo 'yung memories ng past na, 'Grabe napagdaanan ko pala ito,' mga ganiyan," saad ni Ruru.

 

Nitong Biyernes, Agosto 16, 2019, nai-launch ang unang single ni Ruru Madrid na pinamagatang "Nawawala." Ayon kay Ruru, mahilig siya sa mga kantang may "hugot". GMA Corp. Comm.

 

Ikinuwento ni Ruru na namana niya ang pagiging singer sa kaniyang tatay na miyembro ng isang banda.

Bago nito, may mga nauna na ring recording si Ruru na "Let the Love Begin," at "Sa Yakap Mo" na theme song ng "Sherlock Jr..," kung saan ka-duet niya si Gabbi Garcia.

Si Ruru rin ang kumanta ng "Sana Sa Huli," na official soundtrack ng dating Kapuso series na "TODA One I Love" kung saan nakatambal niya si Kylie Padilla.

Naging exclusive recording artist na rin si Ruru matapos pumirma sa GMA Music noong Hulyo. —Jamil Santos/KG, GMA News