Nagulat ang press people sa bagong look ni Mikael Daez sa launch ng isang men's underwear na siya mismo ang nag-design.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, nagpatubo ng bigote at balabas, at nagpakapal ng buhok si Mikael.

"May bago tayong teleserye sa GMA Primetime. Kinausap ako ng mga GMA execs and they said, 'Mik, gawa tayo ng bagong look.' The thing is I've never grown-out my facial hair, I've never really grown out my hair so sinabi ko, sige, eto na muna tayo," kuwento ng aktor.

Makakasama ni Mikael sa bagong series sina Rhian Ramos, Carla Abellana, Tom Rodriguez, at ang batikang aktres na si Coney Reyes.

Sina Rhian at Carla, excited sa magandang takbo ng kuwento ng bago nilang proyekto.

"Gusto ko 'yung tone ng show na parang very relatable kasi nga parang napakatotoo nu'ng mga character," sabi ni Rhian.

"Lahat nagkakamali and then lahat, they learn from their mistakes. So hindi siya 'yung sino diyan 'yung kontrabida, sino diyan 'yung bad," dagdag ni Carla. -- FRJ, GMA News