Balik na sa trabaho si Lovi Poe matapos ang anim na buwan niyang bakasyon sa Amerika. Ayon kay Lovi, masaya siya kahit long-distance relationship ang set-up nila ngayon ng rumored boyfriend na doon niya nakilala.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing lilipad si Lovi sa Canada sa susunod na linggo para makisaya Fiesta Filipino 2019 sa Calgary at sa Food Trip 2019 sa Winnipeg.

"On August 30 to September 1, nasa Calgary Olympic Plaza po ako. But of course, I'll be performing on the 31st so magkita-kita po tayo do'n. And of course sa Food Trip 2019 as well. Nasa Tyndall Park Community Center po ako on September 1," anang aktres.

Ang mga naturang event ay hatid ng GMA Pinoy TV.

Pagbalik sa bansa, magiging busy naman siya sa ginagawang dalawang pelikula.

"I'm currently shooting 'The Annulment' with Joem Bascon... May movie ako with Viva with Marco Gumabao and Tony Labrusca, it's called 'In Between Goodbyes.' It's a story about letting go," ani Lovi.

Inilahad ni Lovi kung bakit siya nanirahan sa Amerika ng anim na buwan.

"I just took a break from work. Nagpapasalamat siyempre ako sa GMA for giving me the opportunity to replenish my soul as an artist and as a person... And also at the same time, study my craft as well," ayon kay Lovi.

Natuto aniya si Lovi na maging mas independent sa Amerika, at tila doon na rin niya nakita ang bagong nagpapasaya sa kaniya.

"Siyempre, oo. Happy naman ako on that aspect. Except for [LDR]. Just kidding. No, I mean, like, let's see how it goes kung ano man. I'm just very happy where I am now," natatawa niyang pahayag.

Naging usap-usapan si Lovi dahil sa kaniyang mga larawan na kasama ang English film producer na si Montgomery Blencowe.

Nakita noon sa Instagram ni Lovi na pareho silang dumalo ni "Monty" sa prestihiyosong Royal Ascot sa England.

Nagbakasyon na rin sina Lovi at Montgomery sa Samal Island sa Davao City.--Jamil Santos/FRJ, GMA News