Bago ang inaabangang live finale ngayong weekend, sasabak muna sa kanilang huling artista test ang Final 4 ng "Starstruck" Season 7 na sina Allen Ansay, Kim De Leon, Lexi Gonzales at Shayne Sava.

Ito na marahil ang pina-challenging nilang pagsubok dahil may pagka-sensitibo ang roles na kanilang gagampanan para sa isang short film.

Gagampanan nina Allen at Kim ang karakter ng taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, samantalang magkapatid na may problema sa pag-iisip naman ang magiging role nina Lexi at Shayne.

Bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa magiging role nila, kinailangan nilang humingi ng payo sa mga eksperto. Panoorin ang episode na ito ng 'Inside StarStruck.'


Click here for more Starstruck videos:

--FRJ, GMA news