Sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ang Clash Masters o hosts ng Season 2 ng "The Clash" ng GMA-7. Sina Rita Daniela at Ken Chan naman ang Journey Hosts.

Alam ni Rayver na maikukumpara sila sa naunang host ng singing competition na si Regine Velasquez.

“Kami siguro, gusto lang namin ma-input yung new feel and yung new vibe, siguro, na dala naming apat, di ba?” sabi ni Rayver.

“Gets naman namin kapag may magagalit o may mamba-bash, kasi part of the process yan, e.

“I mean, may kanya-kanyang opinyon yung tao, pero para sa aming apat, masaya kami to be part of the show, and maging host and mas excited na kami na ipakita kung sino talaga kami.

“Kasi, kung mapapanood mo kami sa show, sa mga soap, sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, iba ako, iba kami pag nag-Studio 7. Iba kami.

“Pero ito kasi, feeling ko, makikita ninyo kung sino si Rayver, Julie, Ken, and Rita kapag magkakasama kami as hosts.

“And siguro, from that part of the end sa amin, maipapakita namin sa tao yung new feel namin bilang hosts.”

Nakausap namin si Rayver nitong Setyembre 10 sa grand mediacon ng "The Clash" Season 2 sa Hive Hotel, Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Ano ang naramdaman ni Rayver nang malaman na magho-host siya ng The Clash?

“Sobrang blessed,” napangiting sambit ng binata.

“Alam ko, palagi kong sinasabi yun pero everyday pag gumigising ako, nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos sa lahat ng blessings na ibinibigay niya.

“Super-lucky, super-honored and humbled and sobrang thankful ako sa GMA Network. Kasi, one year, actually ang bilis na ng one year, e, nag-one year na ako, a few days ago, yeah, September.

“Sobrang nung pag-sign ko sa kanila, tuluy-tuloy ang blessings and sobrang thankful ako sa kanila.

“And from my end naman, ibibigay ko yung best ko sa lahat ng projects na binibigay nila.

“Gagalingan ko pa, lalo na hosting is first for me.

“I mean, nag-host ako before sa mga variety shows and, of course, sa Studio 7, pero ito kasi, host na talaga sa isang major singing competition show.

“So super-excited!

“Of course, kinakabahan din pero mas excited and sobrang happy.”

Mapapanood ang Season 2 ng "The Clash" tuwing Sabado (after Pepito Manaloto) at Linggo (after Daig Kayo Ng Lola Ko) simula September 21.-- For more showbiz news, visit PEP.ph