Isang data analyst at naggi-gig sa mga party, inihayag ng Wowowin contestant na si Joy na modelo niya ang kaniyang mga magulang pagdating sa buhay. Kaya naman inuna muna niya ang mga pangarap na kasama ang pamilya bago ang magka-boyfriend.

Sa programang "Wowowin," sinabi ni Joy sa kaniyang mga magulang na huwag nilang isipin ang kanilang mga pagkukulang sa kaniya, lalo't nakita niya ang kanilang pagsisikap sa trabaho.

"'Wag niyo pong iisipin na may mga kulang kayong ginagawa kasi nakikita ko naman na sobrang sagad na sagad kayo sa pagtatrabaho. Kung nakikita niyo man po ako na ganu'n, dahil po sa inyo 'yun kasi role model ko po kayo," mensahe ni Joy sa kaniyang mga magulang.

"Hindi po ako nagbo-boyfriend hanggang ngayon, du'n ako nakatingin sa pangarap ko na kasama po kayo," dagdag pa niya.

Panoorin ang madamdamin palitan ng mensahe sa pagitan nina Joy at ng kaniyang mga magulang. — Jamil Santos/DVM, GMA News