Inilahad ni Sheryl Cruz na bukod sa pagiging ina, maigi ring may "friendship" siya sa kaniyang anak na si Ashley, 18-anyos.

Nakabase ngayon sa Amerika si Ashley, pero nakahahanap pa sila ng oras para mag-bonding ni Sheryl, ayon sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Martes.

"What I want is a friendship with my daughter kasi we already know how it goes nowadays 'di ba? If you don't communicate, there would be no bonding between you and your child. So as much as possible, to be in her life, it's better to communicate as friends," saad ni Sheryl.

Nag-iisang anak ni Sheryl si Ashley, na isang honor student.

Si Sheryl ang sexy cover girl ngayon ng online magazine na AO Manila.

Inilahad niya ang kaniyang dahilan kung bakit sa edad na 45, ngayon lang siya nagkaroon ng tapang na maging cover girl ng isang magazine.

Ayon kay Sheryl, marami siyang takot noong mas bata pa siya, kabilang ang takot na baka madismaya niya ang kaniyang pamilya.

Ngunit mas empowered na ngayon si Sheryl at itatayo niya ang watawat ng mga kababaihan, na puwedeng puwede pang maging sexy at any age.

"Probably because I wasn't that encouraged enough or I wasn't that confident enough in my own skin. So probably now that I'm more matured and that I don't have to ask permission from anyone except for my daughter Ashley," anang beteranang aktres.

Nakatakda ring mapanood si Sheryl sa bagong Kapuso serye na "Magkaagaw" kung saan nakakailang taping days na siya.

Sabi pa ni Sheryl, first time niyang gumanap sa isang role na itinuturing niyang isa sa pinakamahirap niyang ginampanan.

"Cutting edge, and it's exciting because we're going to several places like Cebu, and we also began taping in Pampanga and Bulacan." —Jamil Santos/LBG, GMA News