Sa programang "Mars Pa More," muling binalikan nina Ultimate Male and Female Survivors na sina Kim de Leon at Shayne Sava ang pagkapanalo nila sa nakaraang season ng  Kapuso original reality-based artista search na "Starstruck."

Pag-amin ni Shayne, hindi siya umasang tatanghalin siyang kampeon dahil sa galing din ng kaniyang katunggaling si Lexi Gonzales. Si Kim naman, tila muling narinig ang boses ng host na si Primetime King Dingdong Dantes na inaanunsyo raw ang kaniyang pangalan. Panoorin.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--Jamil Santos/FRJ, GMA News