Masaya si Phytos Ramirez sa nangyayari sa career ng GMA-7 young star na si Klea Pineda, na dati niyang makaka-date. Ngayon, magkakasama sila sa bagong GMA afternoon teleserye na Magkaagaw, kasama si Jeric Gonzales.

Pero kuwento ni Phytos, hanggang date lang sila ni Klea at hindi nauwi sa seryosong relasyon.

“Hindi kami nagkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan niya,” sabi ni Phytos sa press conference ng Madrasta noong September 30.

“She wasn't ready that time na maging serious sa isang relationship. Marami pa raw siyang gustong gawin sa career niya.

“I respect her decision kaya okay lang sa akin yun. Hanggang ngayon naman po, friends pa rin kami ni Klea."

Nakararamdam ba ng selos si Phytos dahil nali-link ngayon si Klea kay Jeric?

“Hindi po. Kaibigan ko po si Jeric. Saka may teleserye po sila at sila ang bini-build up ngayon ng GMA-7.

“Siguro, magseselos ako kung nagkaroon kami ng past ni Klea.

“E, wala naman po, e. Hanggang sa pagde-date lang kami talaga.

“Sa totoo lang po, happy ako for Klea. Happy rin ako for Jeric. Sana po, mag-click ang love team nila."

Sa Madrasta, gaganap si Phytos bilang si David, best friend ni Sean (played by Juancho Trivino).

Si David ay may lihim na pagtingin sa ex-wife nito na si Katharine (played by Thea Tolentino).

Ani Phytos, “Yung pagkakaroon ko ng secret admiration, gagamitin yun ni Katharine para ma-seduce niya ako.

“Gagamitin niya ako at paglalaruan sexually para makaganti kina Sean at Aubrey [played by Arra San Agustin].

“Medyo sexy po ang magiging eksena namin ni Thea sa mga darating na episodes.

“Marami raw po kaming gagawin na love scenes ni Thea kaya panay po ang workout natin.

“Gusto ni Direk Monti [Parungao] na in good shape ako kapag kinunan ang mga eksena namin ni Thea." -- For more showbiz news, visit PEP.ph