Inihayag ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na inakala niya noong una na nagkamali lang ang Netflix nang sabihin na makakasama siya sa series na "Insatiable."


Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabi ni Gloria na labis siyang natuwa nang malaman na totoong kasama siya sa serye at naging mainit ang pagtanggap sa kaniya ng production team.

Ipinasilip pa niya ang set ng "Insatiable," kabilang ang technical setup, puwesto ng kanilang direktor, pati na rin ang mga trailers/dressing room ng cast, kabilang na sa star ng series na si Debby Ryan.

Samantala, muling nagkasama-sama ang mga dating miyembro ng sikat na all-female sing and dance group na "Sexbomb" Girls.


 

Sa Instagram ni Rochelle Pangilinan, ibinahagi niya ang reunion nila ng kaniyang dating mga ka-grupo, kabilang sina Aira, Jopay, Yvette at Sunshine.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Blessed people are happy people. “Blessed are the pure in heart, for they shall see God.” Matthew 5:8.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

 

Nakilala ang Sexbomb girls sa Eat Bulaga at sa kanilang mga hit dance, lalo na ang "Spaghetti Song."-- Jamil Santos/FRJ, GMA News