Best Female Newscaster and Photos: ATHENA IMPERIAL
Pinarangalang Best Female Newscaster at Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement awardee si Vicky Morales sa PMPC Star Awards for Television, October 14, 2019. Photos: ATHENA IMPERIAL

Wagi sa 33rd Philippine Movie Press Club o PMPC Star Awards for Television ang ilang TV personalities at programs ng GMA Network.

Nanalo bilang Best Female Newscaster ang "24 Oras" anchor na si Vicky Morales. Siya rin ang pinarangalang ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement award.

"Itong mga award na ito, they are a constant reminder to us to never lose sight of the things that are very important in this industry,” ani Morales. “Regardless of how we try to cope with technology, things like integrity, fairness, kindness and hard work, 'yun siguro ang pinakamahalaga kung bakit tayo nakakatanggap ng ganito,” dagdag niya.

Sa dalawang magkasunod na taon, itinanghal na Best Male Newscaster ang "Balitanghali" anchor na si Raffy Tima.

 

Vicky Morales at Raffy Tima sa PMPC Star Awards, October 14, 2019.
Vicky Morales at Raffy Tima

“Hindi lang ito para sa akin. Para ito sa lahat ng bumubuo ng Balitanghali mula sa mga nasa likod ng camera hanggang sa lahat ng reporters, cameraman, assistant cameraman—para sa inyong lahat ito,” ani Tima.

Best morning show naman ang "Unang Hirit.” Ayon kay Mon Torres III, program manager ng nasabing longest-running morning show sa Pilipinas, mas makakaasa pa ang mga manonood na mga Kapuso na patuloy ang paggising nila nang maaga para maghatid ng tunay na serbisyong totoo.

“Isa itong malaking regalo para sa pagdiriwang namin ng ika-20 anibersaryo ng Unang Hirit ngayong Disyembre,” ani Mariz Umali, ang pinakabagong host ng programa.

 

Mon Torres III at Mariz Umali
Mon Torres III at Mariz Umali

Best Documentary Show naman ang "i-Witness," at kabilang sa tambalang nanalo ng German Moreno Power Tandems of the Year ang "One of the Baes" stars na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Best Comedy Actress si Phenomenal Star Maine Mendoza.

Para naman sa kanilang mahusay na pagganap sa drama anthology shows na "Magpakailanman" at "Tadhana," nanalo ng Best Single Performance by an Actor at Best Single Performance by an Actress sina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.

 

Ken Chan at Rita Daniela
Ken Chan at Rita Daniela

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you, PMPC!? congratulations and good job to us, partner. Cheers to more ?

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela) on

 

Kabilang din sa mga tinaguriang TV Queens at the Turn of the Millennium sina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, Sunshine Dizon at Carla Abellana.

Best Talent Search Program ang "The Clash,” at nanalo rin bilang Best Lifestyle Show ang "The World of Gandang Ricky Reyes" at ang host nitong si Ricky Reyes.

Best Horror-Fantasy Program ang "Daig Kayo Ng Lola Ko,” at Best Variety Show ang "Sunday Pinasaya." — BM, GMA News