Hindi man pinalad na manalo bilang konsehal sa Maynila nitong nakaraang May 2019 elections, wala naman daw pagsisisi ang aktres na si Sheryl Cruz sa ginawang pagsubok.

Marami raw siyang natutunan sa naturang karanasan at naramdaman daw niya kung gaano siya kamahal ng mga tao sa Tondo.

“I don’t regret ever doing it because ang masasabi ko, na-feel ko rin naman yung love ng tao.

“Although hindi tayo pinalad, hindi ko naman sasabihin din na hindi talaga pumalo yung ratings for the duration of the entire political campaign.

“It’s just that nag-iba ang resulta, lalo na kapag iba na yung nagmanipula ng resulta,” pahayag ni Sheryl nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Magkaagaw nitong Oktubre 14, Lunes.

Pinabulaanan ni Sheryl ang isyung nagpabaya siya sa kampanya kaya siya natalo.

“Whether you win or you lose, di ba? It’s a challenge and it’s something that you learn from it,” pahayag pa ng Kapuso actress.

Natanong din ang aktres tungkol sa relasyon niya sa kaniyang pinsan na si Senador Grace Poe na nakairingan din niya nang dahil sa pulitika.

Si Sheryl ay anak ni Rosemarie Sonora, habang si Grace ay adoptive daughter ni Susan Roces.

Si Rosemarie at Susan ay magkapatid.

Pero may "urban legend" na hindi mamatay-matay na nagsasabing si Grace ay anak ni Rosemarie kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nais ni Sheryl noon na magbigay ng opisyal na pahayag sina Grace at Susan upang pabulaanan ang naturang matagal nang usap-usapan tungkol sa tunay na mga magulang ng senadora.

Ayon kay Sheryl, okay na sila ngayon ng kaniyang tiyahing si Susan.

Samantalang bukas naman daw ang aktres na magkaayos din sila ni Grace.

“My aunt is always gonna be part of my life, and she’s always gonna be my blood.

"She’s always gonna be the person I look up as my second mother,” saad ni Sheryl.

Tungkol naman sa senadora, sabi ng aktres, “If she makes the move to clear the air. Yun na lang, yun na lang ang sasabihin ko."-- For the full story, visit PEP.ph